Ika 22 ng agosto 2019, Huwebes. Kami ay nagsagawa ng isa nanamang aktibidad tungkol sa akselerasyon. Ang mga materyales ay Sasakyan na gawa sa papel, plastic straw, 25 centavo coins, at ang pambomba o ang buga ng hininga. Ang kailangan gawin ay obserbahan ang sasakyan na walang laman na coins at meron. Titignan dito kung gaano kalayo ang mararating ng sasakyan na walang laman at may laman. Nang matapos kami sa eksperimento, kinuha namin ang average ng bawat sasakyan na may ibat ibang dami ng centaco coins. At ng makuha namin ang average. gumawa kami ng graph para malaman ang mga bilis ng bawat sasakyan. At ng makita namin ito, hindi ito nagawa ng ayos. Hindi ito nagawa ng ayos dahil sa mga maling pagkakagawa ng ekperimento o aktibidad: ang hindi constant na pagbuga, maling pagsukat sa mga straw, at marami pang iba. So, paano nga ba nagana o nalalaman na may akselerasyon ang isang bagay? Ang akselerasyon ay kapag mataas ang force, mataas ang akselerasyon. Kapag mababa naman ang force, mababa din ang akselerasyon. Kapag mataas naman ang mass, mataas din ang akselerasyon. At kapag mababa naman ang mass, mataas naman ang akselerasyon.

